minsan masarap mag-share ng thoughts, lalo na pag masaya ka. ganun ako, mahilig ako mag-share ng mga bagay na nakapagpapasaya sakin. pag may nagustuhan akong pagkain na natikman ko somewhere, bibili ako ng marami nun sa susunod tapos pamimigay ko sa mga kaibigan ko. kasi pwedeng sumaya rin sila.
minsan magluluto ako, at pag naging successful, dadamihan ko at ilalagay ko sa plastic the next day at iaabot ko sa kanila... kahit pa magmukha akong baduy at chipangga dahil naka pang-office clothes ako with killer heels at may bitbit na paperbag na mukhang pang-tapaw *take out*. basta naiisip ko lang, i'm sure matutuwa sila sa niluto ko.
pag may nakita ako sa malls na cute or usable item, kung kaya ko naman bilhin, i would buy it and give it as a gift. kahit pa ako un wala, basta sila meron.
minsan malungkot ako... pero pag naiisip kong mag-share sa kanila ng food or stuffs or happy stories, ok narin ako. minsan nga di daw nila halata na may dinadamdam na pala ako... di ko na lang iniinda, kasi pano na lang ang kaligayahan nila? pag tumahimik ako, ano na lang ang pag uusapan namin? pag huminto ako, pano na sila? di ko rin sigurado na pag ginawa ko un gusto ko, sasaya ako. at least alam ko, sigurado ako, na pag ginawa ko un pra sa kanila at masaya sila, masaya narin ako.
No comments:
Post a Comment