Tuesday, May 12, 2009

pronounciation

tagalog version muna tong blog ko para iwas gulo. mabuti ng nasa safe mode muna ang usaping ito.

lagi kong tinitingnan ang homework ni nixon pagkauwi ko sa bahay pagtapos ng opisina. inaalam ko kung tama mga sagot, at tinitingnan ko rin ang mga result ng quiz nya kung meron man. kanina pinapirmahan nya sa kin ang spelling notebook nya. eto ang pangungusap na nakasulat: The people wear afraid of the scary monster. (minsan sentence ang spelling nila, binibigkas ng guro ang pangungusap tapos isusulat nila.)

tinanong ko si nixon bakit ganun spelling nya samantalang alam naman nya na ang dapat na isinulat nya ay 'were' imbes na 'wear'. tinanong ko sya kung alam nya ibig sabihin ng 'wear', oo daw, pagsuot ng damit. sabi ko, o eh bakit eto sinulat mo eh alam mo naman di bagay dun sa pangungusap? ang sagot nya sa akin, mommy ang pagkakabigkas nya ay wear, hinde were kya un ang sinulat ko. paliwanag ko, anak, iba kasi magbigkas ng english ang mga tao dito kaya wag mo susundin palagi. alam mo naman ung tama, kaya un ang sundin mo. ang follow-up question nya, edi hinde pala laging tama ang mga guro?

haysusmaryosep! kasi naman, kakaiba magpronounce ng english mga tao dito. pano nga ba?

4 comments:

salme said...

pramis po, mahirap po talaga at ang maldita :-) kong anak ay minsan mas naniniwala sa guro nya... isang pagtatalo namin ay yung salitang "grammar", ang sa kanya ay "grammer"... halerrrrr... hehehe... kenes, diba?

Unknown said...

oo sobra! eto pa, tinanong nya ko bakit daw mali ang spelling ng color at favorite. kasi dito 'colour' at 'favourite' ang spelling. tapos ano daw pagkakaiba ng airplane at aeroplane.. kasi nga naman all this time airplane naman talaga diba? bat nga ba ginawa nilang aeroplane??

tracy gomez said...

Hahahaha. Natawa ako sa entry mo :-p

Unknown said...

haha comedy diba? :D