Monday, November 10, 2008

sadyang ganoon

minsan, kahit gaano kalabis mong ipakita sa taong mahal mo na iniibig mo sya, sadyang di ka nya nakikita.

minsan, kahit gaano kaalab ang iyong pag-irog sa kanya, sadyang di nya maramdaman ang kapurihan ng iyong pagsinta.

minsan, kahit gaano kahigpit ang iyong yakap sa kanya upang ipadama ang init ng iyong pagmaliw, sadyang kumakawala sya sa iyong mga bisig.

minsan, kahit gaano mo sya gustong punuin ng iyong pag-aaruga at proteksyon, sadyang pilit pa din syang lalayag at papalaot sa piling ng iba.

minsan, kahit gaano kasakit sa iyong damdamin na makita syang masaya sa piling ng kanyang sinisinta, sadyang kailangang tanggapin na kahit kailan di sya para sa iyo.

minsan, kahit gaano kaganda at kadalisay ang iyong intensyong mapaligaya sya, palalayain mo sya kahit lumuluha ang iyong puso.

sadyang ganoon talaga.. mas mahalaga ang pagmamahal nya sa iniibig nya kaysa sa pag-ibig na nilalaan mo para sa kanya.

No comments: