ilang beses ko ng sinasabi, di ko sineseryoso... o ayaw ko seryosohin. kasi pag pinagnilayan ko, alam ko, maluluha lang ako. alam ko, gugunaw ang isang parte sa puso ko.
lagi kong ibinibiro, "uuyy malapit na kayo mag-countdown". pero sino ba niloloko ko, kundi ang sarili ko. alam ko naman, kung aaminin ko lang, ako ang talagang nagka-countdown.
sino ba namang kaibigang nagmamahal ang gustong mawalay sa mga taong kahit saglit mo lang nakasama, gumuhit na ng napakagandang alaala sa isipan at puso mo. kahit kelan, di mo na mawawaglit ang mga panahong biglang aya ng laro dito, kain doon, nood dyan, shopping ng lunch break.
ang hirap isipin na milya na ang pisikal na distansya naten. buti na lang may internet. pero iba parin ang totoong pag-yakap, pag-alalay, pag-alo, pag-hikayat, pag-sermon, pag-mamahal na pinaramdam nyo sa akin, sa amin.
ang hirap talaga mamaalam.
No comments:
Post a Comment