one of my reasons kaya ako umuwi sa manila ay para mapalitan ang surname ni nixon. iniisip ko na sana payagan nila ko kahit ako lang maglakad ng papers. di naman kasi kabisado ng information kung tinatanong ko over the fone ung mga dapat gawin so might as well go there personally para malaman ko. i called the manila city hall to verify if they're going to get the original copies of the birth certificate and marriage license. oo daw kailangan nila kunin para may sarili din silang copy kaya nung wednesday mismo ng hapon, nagpunta kami sa NSO quezon ave. dati dun lang pupunta kung gusto mo lang magrequest ng copy. aba pagdating namin dun, wala na at kailangan na kami pumunta sa east ave branch. pagdating namin dun, buti na lang walang masyadong tao pero kakaiba talaga pila system sa atin. the following day ng 11am pa marerelease ung mga papers so iniba ko sked ko. sa umaga na lang ako pumunta sa dentist para sa hapon, pagkakuha nung papers, direcho na kami sa manila city hall.
sa manila city hall nagsimula kalbaryo ko. syempre may pila at pagkatapos ko naghintay ng 30minutes, sinabi sa kin ng legal assistant na dapat daw local copy ng birth certificate ung ipapasa, di daw ung authenticated copy. aba nagulat ako dahil ultimately, pinaka legal ang authenticated copy dahil galing pa to ng NSO at ginagamit pag kukuha ka ng passport. ayaw nila, kailangan daw talaga un local copy na nirerelease pagkapanganak ng bata na binibigay sa ospital. di ko nadala un kaya sabi ng ale, kuha na lang daw ako muna dun. kinabukasan ng umaga pwede na daw makuha at balik ako sa kanya. sinabi ko ung case ko na ako lang magisa andun para magasikaso pero unahin ko daw muna pagkuha nung birth cert, tsaka na lang un susunod.
the following day, friday, nakuha na namin ng umaga un birth cert. buti maikli pila kaya sandali lang ako naghintay. pagdating dun ulit sa legal assistant sabi nya schedule for interview daw kami mag-asawa. sabi ko nga sa kanya kahapon na ako lang mag-isa. ayun di daw pwede. araykupu! akala ko naman ok na, biglang kailangan pa daw ng affidavit of legitimacy from phil. embassy sg tapos papa-authenticate sa DFA sa pinas bago ipapasa ulit sa kanila. manang naman! sana sinabi mo na lang sa kin kahapon para di na lng ako nagbayad ulit para kumuha nung local copy at di nasayang oras namin bumalik dun kundi din naman pala maaayos. haaaayyyyy!!! gobyerno nga naman talaga naten! pano ba tayo aasenso nyan!? pambihira!
1 comment:
ayyy sinabi mo pa...
Post a Comment